Picture?width=100&height=100 Ate DC Lou

1 min.

One Shot Collections

Image4

One Shot Collections

by Picture?width=100&height=100 Ate DC Lou 1 min.

The LOVE WARNING ()

"Si Kuya kasi dati bullied yan. Palagi nalang siya binubully until one day...."

Sandali nga. Spoiler ka huh. Anyways. It started like this:

~~

"Hahahahah Panget."

"Pango."

"Mabaho"

"NERD!"

Tapos tinulak niya ako. Sigaw lang ng sigaw yung mga bullies sa mukha ko habang tinatapon yung bag ko. Ang famous ko! Ang daming fans nakatingin. Tsk. Kay aga aga binubully na ako. It's my first day here. Ganito ba talaga ang welcome party sa school na to?? Hindi ba nila alam na ako ang cool-est student sa school namin?

"SANDALI!" Sigaw nung lalaking papalapit. Ito na ba ang savior ko??

Kinuha niya yung bag ko tapos kinalat lahat ng laman dun. PESTE! Babawiin ko na yung savior part. Tumawa lang siya. Inilahad niya naman yung kamay. Kinuha ko naman. PANGALAWANG PESTE! Binitawan ba naman niya agad kaya natumba na naman ako. Tapos may dinikit siya sa mukha ko.

Yung papel na parang sa Meteor Garden pero triangle siya na yellow at ang nakalagay dun ay WARNING.

--

Second day of school. Kakapasok ko palang ng hallways chismisan na naman ang naririnig ko. Such as:

"Hoy.. Diba siya yung binubully ni Third?"

"Hahhah... Oo nga.. Nakakatawa lang noh."

"Maganda sana tanga lang."

"Hahha.. Nerds be like."

"How Pathetic."

Ughh.. Hindi ako trumasfer dito para pagusapan niyo. Deretso lang ang lakad ko hanggang sa nakita ko yung bulletin board na crowded. Ano bang meron dun??? Then suddenly nakita ko yung bullies kahapon. Aha! ALAM KO NA!

Ngumiti (yung ngiting SMIRK) lang yung lalaking nagdikit ng papel sa ulo ko kahapon. Nalaman ko ring Third yung name niya.

UGHHH!!!.. Tumakbo ako dun sa bulletin board tapos nakita ko yung mukha kong may papel sa ulo. SHEMAY!!!.. Pinunit ko lahat ng iyon tapos sinigawan yung mga tao..

"MAGSIALIS NGA KAYO DITO! MAY KLASE PA KAYO!!!!!!!!"

Nagsialisan naman yung tao except dun sa barkada ni Third. PESTE!!.. Nilagpasan ko sila. I gave them a sa-susunod-ako-naman-ang-mambully-look.. They just give me a freaking smirk.. UGHHH!!!


  • #filipino

© Ate DC Lou, 2018. All rights reserved.

Picture?width=100&height=100

Ate DC Lou

@Aesthetic_Tigre
Follow

Comments

Default avatar