114639643639254416600 riez tampos

1 min.

PAG-IBIG at GIYERA ( Love & War)

Image10

PAG-IBIG at GIYERA ( Love & War)

by 114639643639254416600 riez tampos 1 min.

PAG-IBIG at GIYERA

Mga taong duguan at ulan ng mga bala.

Eto ang eksina nang tayo'y una kitang makita.

Sa mga oras na ako'y dapat ng matakot,

Ang iyong mukha ng kapayapaan sa akin ay bumalot.

Mga taong umiiyak at humihingi nga saklolo,

Isang paraiso na malapit ng maglaho.

Ito ang iyong palagid na nasumpungan,

Ngunit ang masilayan ka ay ang isang kalayaan.

Sa lugar na putok ng kanyon at baril ang iyong naririnig,

Wala kang takot na tulungan lahat nang dumadaing ng sakit.

Habang ako'y nakikipaglaban para kay inang bayan,

Ang iyong ganda sa akin ay nagbibigay ng tapang.

Sa aking mga kamay marami ng dumaan na buhay at pumanaw,

Dahil sa pakikibaka ko sa mga taong sa ating bayang nais umagaw.

Ngunit ikaw sumasagip ng mga buhay at sa mga biktima kumakalinga,

Dahil misyon mo ang mga taong eto at ang mga buhay nila.

Paniniwala man natin ay magkasulangat at magkaiba.

Alam ko ang pag ibig sa atin ay maghahari pa.

Hindi ko man matanto ang ating magkaibang idelohiya,

Sa pang unawa at pagmamahal mo ako'y umaasa.

Sa gitna ng kaguluhan, itong malaking giyera,

Sa simple dalangin ako ay humihing ng pag-asa.

Na sana'y pagsinta ko'y mabigyang katuparan,

Kahit iba-iba man ang ating ipinaglalaban.

  • #pagibigsakarahasan
  • #lovenotwar

© riez tampos, 2017. All rights reserved.

114639643639254416600

riez tampos

@rieztampos
Follow

Pag-ibig at Giyera is poem written in my own Filipino language. Translation is to follow. Thanks for reading!

Comments

Default avatar