User avatar 1515750364 Ano ni Muse?

2 mins.

Pagpasok Mo't Paglabas Mo

257d4ecb586c4a30961210e3a4fcf037

Pagpasok Mo't Paglabas Mo

by User avatar 1515750364 Ano ni Muse? 2 mins.

Isang gabing maliwanag, maliwanag dahil sa mga poste ng ilaw. Kapansin-pansin ang isang bahay na luma na at sira-sira pa. Sinasabing may mga ligaw na kaluluwa na dito ay tumira/nakatira/titira. Tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan, may mga pangyayari na 'di mo inaasahan. Halimbawa, may mga maririnig na nagsisigawan na akala mo'y naglalaplapan.

Kung papasok ka sa lumang bahay na sira-sira, may makikita kang pinto bago pumasok. At ito ay gawa sa kahoy. Pagbukas mo ng pinto na gawa sa kahoy, may maririnig na kakaibang tunog mula sa pinto. Pagpasok mo, madilim ang buong paligid. (Bakit? Dahil sinasabing hindi nagbabayad ang mga tumira/nakatira/titira rito.) Kung may dala kang flashlight o ano pa mang magbibigay ng liwanag at ningning, makikita mo na ang buong paligid ng luma ay sira-sirang bahay. Sa iyong paglilibot, mayroon kang makikitang tatlong pinto. Pagpasok mo sa isang pinto, iyon ang kusina. Makikita mo ang mga kubyertos na nakalagay sa tamang lugar. (Alam mo ba kung saan? Nakalagay ang mga kubyertos sa lalagyanan ng mga kubyertos.) Paglabas mo ng pinto, nakalabas ka na! (Yehey!) Pagpasok mo sa isang pinto iyon ang palikuran/kubeta/banyo/C.R. Kung susobukan mong umihi, mararamdaman mong giginhawa ang iyong pakiramdam. Paglabas mo ng pinto, lumabas... ka na. Sa patuloy mong paglilibot sa lumang bahay, makikita mo ang isang kakaibang pinto. Kakaiba ito dahil ito ay naiiba sa lahat ng mga pinto sa buong bahay. Pagapasok mo sa kakaibang pinto, wala kang makikita. Dahil wala itong lamang kahit ano. Paglabas mo sa kakaibang pinto makikita mo ang hagdanan.

Kung aakyat ka sa hagdan, kapansin-pansin ang dalawang malaking painting. Ang isa ay larawan ng mga bungo/skull. At ang isa naman ay larawan ng isang kutsilyo na nakatusok pa sa isang kutsilyo. Habang tumitingin/minamasDAN mo ang mga painting, 'di mo mapapansin na nakaakyat ka na pala.

Pagkaakyat mo may makikita kang dalawang(2) pinto. Ngunit/Subalit naubos na ang battery ng flashlight mo. Nagsimula ka nang mangapa sa dilim. (Hala!) Pero may mapupulot kang isang(1) kandila na may sindi na. Pagpasok mo sa unang pinto, may makikita kang kama, ngunit may nakahiga na doon kaya, wala kang magagawa kung hindi ang lumabas na lang. Paglabas mo ng pinto, nakalabas ka na. Pagpasok mo sa isa pang pinto, may makikita kang sala set, at isang babaeng nakaputi at puro dugo. Ito ay nakatayo sa may sulok. Paglabas mo nang pinto, bigla mong naisip na baka white lady ang nakita mo. Bigla rin naubos ang battery ng kandila mo. Nagsimula ka nang matakot. Biglang may maririnig na tunog. Tunog ng isang kumakanta. Sasakit ang ulo mo dahil sa pangit ng boses na kumakanta, at hindi mo na alam ang gagawin mo. Bigla kang kumuha ng reserbang mong flashlight at sa isang iglap...

May makikita kang mga pamilyar na bagay na parang matagal mo nang nakikita.

Hindi mo lang alam, na ang bahay na pinasok mo ay bahay mo pala.



Wakas...


  • #pinoy
  • #horror-comedy
  • #first
  • #filipinostories
  • #filipino
  • #doorstep
  • #corny

© Ano ni Muse?, 2018. All rights reserved.

User avatar 1515750364

Ano ni Muse?

@Ano ni Muse?
Follow

Inihahandog: Ang pinaka unang kwento na naisulat ni Ano ni Muse? Ang kuwento na ito ay binubuo ng maraming salita. Ito ay tungkol sa horror at mga korny na mga pangyayari. Tinatawag ko itong HORNY (Sana magustuhan ninyo)

Comments

Default avatar
Ano @Ano ni Muse?
Salamat po sa pagbasa at masayang akong nagustuhan mo. :)
Vanette @vanettemcearly
Hahahha nagustuhan ko to !! :D Pag patulog mo pa :D