108714552908699381988 Julia

2 mins.

What Love Is

Header default

What Love Is

by 108714552908699381988 Julia 2 mins.

Pinagmamasdan ko lang ang aming guro na nagsusulat sa pisara. Hindi ko man alam kung ano ang kanyang isinusulat dahil natatakpan niya ito. Pagkatapos niya magsulat, napatingin ako sa isinulat niya.

"Ano naman ang koneksyon ng love sa English nating subject?" Narinig kong bumulong ang kaklase kong nasa may likuran ko. Isa siyang bitter na tao.

"Oo nga. Ano nga ba?" Sagot naman nung isa kong kaklase. Patuloy lang sila sa pagbubulungan. Pero teka, bulong paba ang tawag mo eh naririnig naman ng iba?

Love ang nakasulat sa pisara. Nasa gitna ito na nakabilog pa. Tapos may mga linya na nakadugtong sa bilog.

"So, our activity for today is about love." Panimula ng guro namin. Walang nagsasalita dahil lahat nakikinig. Mukha silang interesado sa aming topic. "You are going to define love." Ngumiti lang siya sa amin at napatingin siya sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang kahulugan nang pagtingin niya sa akin pero may nararamdaman akong hindi tama.

"Get a one half crosswise then write your answer there." Sumunod naman kami sa kanya at nag-umpisa na kaming magsulat. 'Yung mga iba kong kaklase, halatang maraming alam sa love.

Ano nga ba kasi ang love? I mean, alam ko ito pero napakahirap bigyan ng kahulugan. Minsan pala, 'yung mga madadaling salita pa ang mahirap bigyan ng kahulugan. Patuloy lang ako sa pag-iisip nang bigla akong napatingin sa may bintana. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Nakita ko siya. Ang lalaking minahal ko noon at masasabi kong mahal ko pa rin hanggang sa kasalukuyan.

Hindi ko namalayan na unti-unti na akong nakakapagsulat sa aking papel. Hindi ko alam na ang dami ko na palang nasulat dito. Hindi ko ito inakalain na ganito ang maisusulat ko. Napatingin ako ulit sa may bintana at nakita ko siyang may kausap na babae. Sobrang saya niya habang kausap niya ito. May suot siyang ngiti na kahit kailan ay hindi ko ito nakita noong kami pa. Napabuntong hininga ako. Ganyan ba talaga siya? Siguro nga, hindi niya talaga ako minahal.

"Let's start." Tumayo na ang guro namin at kumuha na ng chalk. 'Yung iba kong mga kaklase, hindi pa tapos. Sineryoso nga yata talaga nila ang love na 'yan.

Nagtawag na ang guro namin. Pinapasulat niya sa pisara ang aming mga ideya tungkol sa love. 'Yung mga kaklase kong natawag, nagsimula nang magsulat ng kanilang mga ideya.

Sana, hindi ako matawag. Ayaw kong ibahagi ang aking mga saluobin. Kasi panigurado, tatanungin nanaman nila ako kung bakit ganoon ang naisip ko. Masisisi ba nila ako kung ganoon ang laman nitong utak ko?

"Jianne."

Napatingin ako sa guro namin dahil tinawag niya ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Isa lang naman ang ibigsabihin nito. Isulat ko ang saluobin ko tungkol sa love.

Dahan-dahan akong tumayo at tinitingnan ko ang papel ko habang naglalakad. Ito ba ang isusulat ko?

Love is about giving up your own happiness just for the person you really love the most.

Nang matapos kong ito isulat, napatingin ako sa may labas. Hindi ko alam kung bakit pero parang may nag-udyok sa aking tumingin. Nakita ko siyang dumaan sa silid namin at napatingin din siya sa akin. Nagtitigan kami at hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya. Bakit ba ganito? Parang bigla na lang napunit ang puso ko nang tingnan niya ako. Na parang may nais siyang sabihin ngunit hindi niya ito magawa. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako sa kanya. Pero sa loob ko, isa iyong ngiti na gusto kong ipakita sa kanya kung gaano ako nasasaktan.

Siguro nga, ito na ang katapusan nito. Siguro, kailangan ko na rin siyang hayaang magmahal ng iba. Masasabi kong nasaktan nga niya ako, pero masaya naman ako dahil nakahanap na siya. Kahit na nasasaktan ako, kakayanin ko. Kasi, love is about sacrificing your own happiness for the one you love.


  • #romance
  • #love
  • #broken
  • #filipino
  • #filipinostory
  • #filipinostories
  • #moveon

© Julia, 2018. All rights reserved.

108714552908699381988

Julia

@wheninfinityended
Follow

First part guys. Hope you'll like it. :) Comment for reactions or suggestions :)

Comments

Default avatar
Ericka @erickamariemejor
So sad but soo truee~~~!
Julia @wheninfinityended

True to life actually hahaha kaya ganyan. Anyway, thanks for reading! :) God bless :)