User avatar 1494569152 Aquarius

4 mins.

Enchanted

Xlmyc9n5ricdlxkamaa8?1495626043

Enchanted

by User avatar 1494569152 Aquarius 4 mins.

Napalingon ako sa kumatok,"Come in," I replied. Bumukas naman 'yun at pumasok si mama,"What are you doing?" she asked gently while heading towards the air conditioner,"Reading."

"Do you want to eat?" I shook my head and concentrated on reading my book. It's about the love story of Eros and Psyche. Hindi naman na siya nagsalita at binuksan na lang ang aircon. Gusto ko pa sanang sabihin na kakapatay ko lang 'nun pero ayaw nilang naiinitan ako kaya hinayaan ko na lang siya.

Naglakad siya papunta sa harapan ko. She patted my head and smiled at me,"Do you want to go out?" nanigas ako sa kinauupuan at tumitig sa kanya. Is she serious? Bakit niya naisip 'yun bigla?

Naalala ko agad ang lalaking nakita ko kagabi. Handa na ba si mama na ipakita ako sa kanila? Handa na ba ako? After that night, feeling ko mas gugustuhin ko pang magkulong na lang kaysa lumabas sa mapanlait na mundo.

I frowned at her,"But ma, you don't want me to be seen by other people. What's with the sudden change of---" pinigilan niya ako sa pagsasalita,"Why? You don't want to?" natahimik ako sa tanong niya. I want to. Pero ayaw ko rin. Ewan ko. Naguluhan na ako.

"Pero bakit? Anong meron at pinapayagan niyo na akong lumabas?" and why now? I want to ask her. Instead of answering me, ngumiti lang siya sa'kin at kinuha ang brush bago suklayan ang buhok ko,"I want you to experience the outside world, too. 17 years inside this house is just...," nanahimik na lang siya. Pero naguguluhan pa rin ako. Bakit ngayon niya lang naisip ang bagay na 'to?

"But I'm ugly. Kapag lumabas ako, people will judge me. And you don't want that, right?" napahinto agad siya sa pagsusuklay ng buhok ko at gulat na lumingon sa akin,"Ugly? Calla, no you're not ugly! 'Wag na 'wag mong sasabihin at iisipin 'yan!" nangunot ang noo ko.

"Pero bakit niyo ko tinatago?" wala siyang nasabi doon. Tuwing sasabihin kong pangit ako, itatanggi niya. Tuwing itatanong ko kung bakit siya hindi sumang-ayon, napipipi lang siya. She sighed and made me face the mirror. I looked at my face. Hindi kami magkamukha ni mama, dahil ang sabi niya ay si papa raw ang kamukha ko.

"You saw it, right? There's no hint of ugliness in there. You are beautiful. That's why I named you Calla," sabi niya sa akin habang nakatingin kaming dalawa sa salamin,"Smile for me, Calla," naluluha akong ngumiti sa kanya.

"Natakot akong ilabas ka dahil sa taglay mong ganda... so pure and natural. Natatakot akong madapuan ka ng kung anong dumi pagtapak mo sa labas. Natatakot akong madumihan nila ang inosente mong isip at puso. Natatakot akong magkaroon ka ng mga kaibigan dahil lang sa ganda mo. Natatakot akong magkaroon ka ng maraming manliligaw dahil lang sa mukha mo. Natatakot akong wala nang magmahal sayo dahil sinasamba ka lang nila. Natatakot akong ilabas ka sa mundo dahil ayokong magbago ka. I want you to remain pure and clean. No, Calla. You are not ugly. In fact, you are the most beautiful girl I've ever seen," naiyak na ako ng tuluyan dahil sa sinabi ni mama.

I'm beautiful.

Niyakap ko siya ng mahigpit at hinimas-himas niya ang likod ko,"At nagkamali ako na kinulong kita dito dahil nasayang ang buhay mo. You deserved to live. Being locked up here isn't living. Hinayaan kong lamunin ako ng mga kinatatakutan ko para sa magiging buhay mo. I was scared that you might suffer. But I realized it's a part of life. You should go out of your safe zone and learn new things. I'm sorry for taking your childhood away from you," mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya.

"No, mama. I should be the one apologizing for thinking that I'm ugly. Thank you for protecting me. I promise, hindi ako magbabago," nag-iiyakan na kaming dalawa dito. Nawala na ang bigat na dinadala ng puso ko these past 17 years.


"You should wear this, anak. Regalo ito ng daddy mo," tuwang-tuwa niyang sabi habang pinapakita ang vintage floral dress sa harap ko. Napangiti na lang ako at isinuot 'yun. Then she braided my hair,"Saan naman tayo pupunta, ma?" ngumiti muna siya sa akin bago sumagot,"Shopping. I want to bond with my daughter. Okay, it's finished," tumayo at umikot ako sa harap niya.

"You look lovely," I thanked her. Sumakay na kami sa sasakyan niya pagkatapos 'nun.

Napakapit ako ng maigi sa braso ni mama dahil halos mabali na ang mga leeg nila kakatitig sa akin. Na-conscious ako bigla sa sarili ko. Takot akong tumitig sa sahig ng mall.

Pinaharap ako ni mama at ngumiti sa akin,"Chin up. Be confident. There's nothing wrong with you," ilang segundo akong tumitig sa kanya bago dahan-dahang ngumiti,"There," pinagpatuloy niya na ang paglalakad namin.

Nasa kalagitnaan kami ng pagpili ng mga damit ko nang may mamataan akong tao. Natigilan ako sa pagpili at tumingin lang sa kanya. Is that him? Pero hindi ko ma-confirm dahil nakatalikod siya.

"What's wrong, Calla?" nabalik ako sa katinuan nang tanungin ako ni mama,"Nothing," I continued searching for a dress.

In the end, sobrang dami naming nabiling damit, sapatos, and accessories. She even bought me a cellphone. It was fun bonding with my mom.

"Gutom ka na ba?" tumango ako. Dinala niya ako sa isang fast food chain sa halip na mamahaling restaurant. I smiled at her. Kahit na sa bahay lang ako dati, nagpa-padeliver din siya ng mga pagkain sa labas. Pagpasok pa lang namin, nakatitig na ang mga estudyante sa akin. Hindi pa rin ako sanay doon kaya umiwas na lang ako.

"Ma, ako na lang ang mag-oorder gusto niyo?" she hesitated pero pinayagan niya na rin ako. Kinuha ko na ang order niya at pumila na rin sa counter. May lalaking nasa harapan ko ngayon na sobrang tagal mag-order. Napakunot na ang noo ko. What's taking him so long? Lumilipat na nga rin ang mga nasa likod ko.

Nakadalawang tray siya na punong-puno ng pagkain. Wow. Hindi halata sa katawan niya na mahilig siyang kumain.

Lumingon siya sa akin at tinuro ang pangalawang tray,"Kuhanin mo na yung order niyo," gulat ko siyang tinignan. Sa amin 'yun? Tamang-tama nga ang mga pagkain. Pero ba't niya naman gagawin 'yun?

"Narinig ko lang yung order mo habang bumubulong-bulong ka kanina," iniwan niya lang akong tulala doon. Kinuha ko na rin ang tray dahil masama na ang tingin sa akin ng mga nakapila. Hinanap ko ang lalaki para magbayad pero hindi ko na siya makita.

Saka lang pumasok sa isip ko na siya yung akyat-bahay kagabi.

But why did he do that?

© Aquarius, 2019. All rights reserved.

User avatar 1494569152

Aquarius

@CaptainAzure
Follow

This is the second chapter of Enchanted. Something went wrong. I'm sorry! :3

Comments

Default avatar