User avatar 1504078556 Full Gas Panda

3 mins.

Para sa aking ka lang

Image2

Para sa aking ka lang

Chapter 1

by User avatar 1504078556 Full Gas Panda 3 mins.

Bagong simula

At dumating si Red sa isang lugar kung saan magsisimula sya ng panibagong pahina ng kanyang buhay. "Anak ano sa palagay mo? Magandang lugar ito para sa negosyong naisip mo" tanong ng Ama kay Red.

"Magandang lugar nga ito Papa" sagot ni Red. "O sya maiwan na muna kita at uuwi muna ako sa bahay para makapaghanda ng makakain. "Sige po itutuloy ko muna ang pagsasaayos ng mga gamit dito nang makapagsimula na bukas".

Kinabukasan, "tagumpay ang unang araw ng iyong negosyo anak" , "Oo nga Pa, sana magtuloy – tuloy ito. sambit ni Red "Alagaan mo lang at magtiyaga ka, hindi lahat ng araw ay matagumpay. Magtiis at makakaahon ka din anak" sabi ng Ama.

Lumipas ang ilang buwan nasa magandang sitwasyon na ang negosyo ni Red.

"Shot mamaya 'tol " ani Red. "Sige 'tol punta ka nalang dito isama na din natin yung mga kaibigan ko" (kapatid ni Red na si Jed) "Ok tol " sambit ni Red.

Makalipas ang ilang araw

"'tol sino yung kasama nyong chick na nakadilaw?" tanong ni Red sa kapatid "Ah si Mitch, bakit tol? type mo?" ani Jed. "Maganda sya may kakaibang dating 'tol" sagot ni Red. " Sige tol papakilala kita" sabat ng kapatid". "Salamat tol ano ba mga gusto nya sa lalaki?" tanong ni Red. " 'tol mahirap masabi eh basta pakilala nalang kita para ikaw na mismo ang makasagot nyan." "Ok sige tol salamat." Red.

Isang araw....

Jed: Mitch si kuya Red nga pala siya yung sinasabi ko.

Red: Huy anong sinasabi dyan? Hi Mitch.

Mitch: Hello Red kumusta

Jed: teka maiwan ko na muna kayo ha. (senyas kay kuya Red)

Mitc: Ok

Red: Sige tol

Napasulyap sa mata ni Mitch si Red at nagtama ang kanilang mga paningin

"Umm (napangiti si Red)" " uhmm (namumula ang pisngi ni Mitch)

Red: Nag aaral ka pa?

Mitch: Ah oo 2nd year College sa PUP

Red: wow mahirap ata makapasok dun so it means matalino ka.

Mitch: uy di naman, nag-aaral lang ng maigi (kinikilig)

Red: Eh, bakit wala ka pang boyfriend?

Mitch: uhm.. wala naman nagkakainteres eh

Red: Di nga? Sa ganda mong yan? Imposible naman ata

Mitch: huy di ako maganda no likas na talaga yan. hahaha

Red: hahaha e d umamin ka.

Mitch: di kasi ako masyadong pala labas ng bahay eh.

Pag uwi ko galing school walang gimik diretso lang sa bahay tapos nanunuod ng mga tv series.

Red: hmm talaga? Bihira na yung ganyan ah. Anong tv series kdrama?

Mitch: Hindi ah. Mga US series.

Red: talaga? Yun din kasi hilig ko.

Mitch: weh baka naman sinasakyan mo lang ako ha.

Red: Hindi, mga pinapanood ko kasi Greys Anatomy , Suits, Gots, WD.

Mitch: aba talagang pinapareho mo sa mga pinapanood ko ha
nalaman mo yan sa kapatid mo no?

Red: hindi ah talagang yan ang pinapanood ko. ayaw nga magsabi ni Jed kung ano mga gusto mo eh

Mitch: E teka bakit ikaw wala kang GF or bakit di ka pa nag aasawa?

Red: E ang tagal mo eh.

Mitch: Aba at bakit ako?

Red: hahaha di ka mabiro.

At nagkaigihan ang dalawa sa kwentuhan...

"Add mo ako sa social media ha? Tag kita dun sa mga episode na di mo pa napapanuod" sabi ng dalaga. "Uy baka naman mapanaginipan mo 'ko nyan ha." panunuya ng binata. "Grabe ka baka ikaw di makatulog kakaisip sakin." sagot ng dalaga.

Lumipas ang ilang lingo ng pagkakakilala ni Red at Mitch. Nakilala nila ng lubos ang isa't isa. Kaya...

Red: tol shot mamaya?

Jed: bakit tol ano meron?

Red: sinagot na ako ni Mitch

Jed: Talaga tol congrats tara dito.

Red: ok areglado mamaya.

Jed: Masarap na kwentuhan to mamaya.

Ngunit sa isang di inaasahang pagkakataon. May mga bagay ang mapaglarong tadhana na hindi maiiwasan. Makalipas ang tatlong taon ng pagsasama nina Red at Mitch. Nagkaroon ng karamdaman si Mitch.

"Cancer po Mr. DeGraz ang sakit ng inyong nobya." turan ng Doctor. "Maikling oras na lang ang nalalabi sa kanya, I suggest you spend a lot of time with her." sambit ng Doktor. "Anong karapatan mong sabihin yan Diyos ka ba? Hindi mawawala ang mahal ko bawiin mo sinabi mo" sigaw ni Red habang hawak ang kwelyo ng Doktor. "Kuya huminahon ka walang kasalanan si Doc." pag aawat ng kapatid na si Jed.

"Mahal, wag kang malungkot may plano ang Diyos, magmahal ka ulit yan ang gusto kong mangyari ok? Please sana sundin mo ako ha." nakangiting salita ni Mitch habang hinahaplos ang mukha ni Red. "Pero hindi ko magagawa yan mahal, ikaw lang ang gusto ko. Walang maaring pumalit sa'yo dito sa puso ko. Kung hindi ikaw ayoko na" magkahalong luha at kalungkutan and sagot ni Red. "Mahal ko makakaya mo lahat yan nasa tabi mo lang ako palagi basta gusto ko magmahal ka muli, gusto ko maging masaya ka ulit katulad noong unang nagkakilala tayo. Para kang bata na sabik sa mga usapan natin." –pag alaala ng kasintahan. Mahigpit na niyakap ni Red ang kasintahan.

At dumating na ang araw ng paglisan ni Mitch

" Bakit? anong nangyari bakit ngayon mo pa ako iniwan kung kelan ok na ang lahat?" Sigaw ni Red habang tumutulo ang luha. "Anak ganyan talaga ang tadhana kailangan mong magpakatatag sa mga pagsubok." sambit ng Ama. "Pero bakit Papa sadya bang ganito ang gusto sa akin ng Maykapal?, ano bang nagawa ko at binawi nya sa akin si Mitch?" lumuluhang tanong ng binata sa Ama. "Anak hindi ko man masagot ang mga tanong mo pero balang araw malalaman mo din ang mga kasagutan sa mga tanong mo, hindi natin pwedeng pangunahan o sumbatan ang May-likha sa atin. May nakalaan lang siyang magandang plano para sa 'tin." Pagpapaliwanag ng Ama. " "BAKIT BAKIT BAKIT" lumuluhang tanong ng binata.

Hindi naglaon huminahon na ang ulan, mistulang naihipan ng malakas na hangin ang mga ulap at sumilip ang Haring Araw. Umaliwalas na ang damdamin ni Red matapos ang isang taon ng pagkawala ni Mitch sa kanyang buhay. Ngunit hindi nya pa din magawang umibig ng ibang babae maliban sa kanyang namayapang kasintahan.

Sa di kalayuan may nagmamasid na mga matang tila kay Red lamang nakatingin. Isang pagmamasid na may ninanais sa binata...

© Full Gas Panda, 2019. All rights reserved.

Next Chapter

Comments

Default avatar