User avatar 1496493405 Cheshire

1 min.

Pulang Lobo

Header default

Pulang Lobo

by User avatar 1496493405 Cheshire 1 min.


Pulang Lobo


I

Mayroon akong lobo

Na nais kong ipalipad

Pula ito at matingkad

Simbolo ng aking pagkapalad

II

Gamit ang panitik

Nakasaad dito

Ang mga hinanakit

At ang ilang saglit

III

Mga alaala

Na binigay

Pagpupugayan ko

Gamit itong lobo

IV

Bawat ngiti sa iyong labi

Nakasaad dito sa munting globo

Bawat tulo ng luha

Na hindi naaantala

V

Gaya ng luha ko ngayon

Hindi ko mahinahon

Sapagkat sa isang saglit

Biglang nawaglit

VI

Bawat sambit

Hindi ko pa rin maalis

Nanghihinayang pa rin

Sa alaalang kailangang iwaglit

VII

Ngunit hinahagilap ko ang lobong ito

Mabigat man sa pakiramdam

Isinusumpa ko sa puso ko

Na hindi na iibig na muli

VIII

Kaya sa pagbitaw sa pulang lobo

Titingin sa langit

Ngingiti ng isang saglit

At magsisimulang muli




© Cheshire, 2019. All rights reserved.

User avatar 1496493405

Cheshire

@Cheshire Cat
Follow

Minsan may mga bagay na kailangan mong pakawalan para makasimula muli.

Comments

Default avatar
Eurie @rickybelmont
Magandang tula ito. Sigurado akong makakarelate to sa mga tao na iniwan o nakipag-break yung mga ganun. Haha di ko pa kasi naiexperience yun pero maganda siya talaga. Una akala ko yung lobo yung hayop pero sa pagbasa, yung bilog pala. Bobo talaga ako. Pero na-enjoy ko yung tula na ito. And pagsulat niya ay maganda at ang flow niya ay maganda rin, hindi siya choppy. Paumanhin sa pagcomment ko, first time ko kasi magcomment ng tagalog. English kasi palagi ako eh hahaha Pero malungkot man ang mensahe, nasayahan naman ako basahin at hindi man ako makarelate maganda pa rin ang pagsulat mo nito. Nagustuhan ko talaga siya
Cheshire @Cheshire Cat

Salamat po sa konstruktibong kritisismo, Pero 'wag niyo sabihing bobo kayo! Wala pong taong bobo. See more

Cheshire @Cheshire Cat

Salamat po sa konstruktibong kritisismo, Pero 'wag niyo sabihing bobo kayo! Wala pong taong bobo. See more